|
||||||||
|
||
Kagawaran ng Edukasyon, handang magsiyasat sa mga anomalya
TINIYAK ni Education Secretary Bro. Armin Luistro, FSC na handa silang magsiyasat sa ibinalita ng isang media outfit hinggil sa mga anomalyang bumabalot sa pagbili ng mga computer at mga aklat noong 2008 hanggang 2010.
Sa isang pahayag, sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon na may impormasyong lumabas na may mga anomalya sa pagbili ng kagawaran ng mga aklat at mga computer noong nakalipas na administrasyon.
Kung kakailanganin ay handa ang Kagawaran ngayong magsiyasat upang maiparating sa kinauukulan ang anumang detalyes para sa askyong legal.
Mas makabubuting samahan na rin ng mga ebidensya ang sumbong upang mas madali ang imbestigasyon, dagdag pa ni Kalihim Luistro.
Nananawagan din silang iparating sa tanggapan ni Kalihim Luistro sa address na armin.luistro@deped.gov.ph sa pinakamadaling panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |