|
||||||||
|
||
European Union at Pamahalaan ng Italya, tutustusan ang isang pagpupulong sa Maguindanao
GAGASTUSAN ng European Union at Pamahalaan ng Italya ang isang pandaigdigang pulong na pinamagatang "Peace is Living Together Regions and Cultures in Dialogue for Peace and Reconciliation in Mindanao." Magsisimula ito sa Biyernes, ika-anim hanggang Sabado, ikapito ng Hunyo sa Notre Dame University sa Cotabato.
Pinamumunuan ni Cardinal Orlando B. Quevedo ang pagpupulong kasama ang Community of Sant'Egidio at sa tulong na rin ng Muhammadiyah mula sa Indonesia.
Kasunod ng pagdalaw ng mga opisyal ng European Union at mga Ambassador ng Member States at mga kinatawan sa Mindanao noong Abril upang isulong ang kultura ng kultura ng kapayapaan, nagkasundo ang European Union at Italya na tustusan ang pagpupulong upang ipadama ang kanilang pagtulong sa Mindanao peace process.
Layunin ng Peace Conference na isulong at pag-ibayuhin ang pag-uusap sa pagitan ng iba't ibang relihiyon at iba pang political stakeholders sa Mindanao. Mas maganda umano ang pagkakaroon ng masinsinang pagsusuri sa paggalang sa human rights at paglahok ng mga katutubo proseso.
Ayon sa pahayag ng European Union, ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at ang pagtatapos ng buradol ng Bangsamoro Basic Law ay maituturing na malaking nagawa ng pamahalaan sa kahalagahan ng kapayapaan sa Mindanao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |