|
||||||||
|
||
Walang salaping mula sa congressional insertions
WALANG dapat ipangamba ang madla hinggil sa congressional insertions o pork barrel funds na ipinatutupad ng pamahalaan sa malalaking pagawaing-bayan na inilabas kamakailan.
Ani Comunications Secretary Herminio Coloma, Jr., ang kasalukuyang pamahalaan ay walang anumang ginagawang congressional insertions upang tumakbo ang mga pagawaing-bayan. Kahit umano noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay 'di na pinapayagan ang insertions.
Sa press briefing kanina, sinabi ni Kalihim Coloma na nagkasundo na ang ehekutibo at lehislatura na kung ano ang budget na kabilang sa National Expenditure Program ay 'di na kailangang magkaroon ng revision o pag-aralan pa ng Kamara at Senado.
Sumusunod na umano ang pamahalaan matapos magdesisyon ang Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang PDAF kaya't wala na ito sa budget para sa taong ito.
Noong nakalipas na linggo, pumasa na sa National Economic and Development Authority Board na pinamumuan ni Pangulong Aquino ang siyam na malalaking proyekto tulad ng water at irrigation system, transportation at maging health care. Ang mga proyektong ito ay magmumula sa iba't bang pagkukuna ng pondo tulad ng public-private partnership at private sector investments.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |