|
||||||||
|
||
Dalubhasa sa liturhiya, nagbabala
NAGBABALA si Msgr. Alejandro P. Esperancilla, special assistant for liturgical affaits ng National Shrine of Our Lady of Candles sa Jaro, Iloilo sa mga mananampalataya na ang kakaiba ang pananampalataya at pananalig sa Diyos sa mga pamahiin at paggamit ng mga eskapularyo bilang mga anting-anting.
Ang mga pagmamalabis na ito ang makakasira sa pananampalataya. Ipinaliwanag ni Msgr. Esperancilla na ang mga popular devotion ay makapagbibigay sa mga mananampalataya ng maling pagpapahalaga sa debosyon.
Inihalimbawa niya ang pagkakaroon ng mga imahen ng mga santo sa loob ng mga jeepney, bahay kalakal at mga shopping centers na magiging dahilan ng pagdududa sa motibo ng paglalagay ng mga ito.
Nauuwi umano sa "magical" at "superstitious practices" na nauuwi sa "idolatry."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |