|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Kalihim Abad, nagbitiw; tinanggihan ni Pangulong Aquino
DAHILAN sa kabi-kabilang batikos na tinanggap mula nang ideklara ng Korte Suprema ng Pilipinas na taliwas sa Saligang Batas ang Disbursement Acceleration Program, nag-alok si Kalihim Florencio Abad na magbitiw subalit tinanggihan ito ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Ayon kay Pangulong Aquino, sa pagsisimula ng Cabinet budget presentation na isinahimpapawid sa People's Television Network, sinabi ni Pangulong Aquino na nagbitiw si Kalihim Abad subalit nagdesisyon siya na huwag tanggapin ito.
Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na may naniniwalang ang DAP ay masama para sa mga mamamayan at kahit ang mga pinakamapapait na pumupuna sa kanila ang nagsasabing ang DAP ay nagdulot ng biyaya sa mga mamamayan.
Maling tanggapin niya ang pagbibitiw ni Kalihim Abad at hindi matatanggap ni Pangulong Aquino na ang paggawa ng mabuti para sa mga mamamayan ay isang kamalian.
Ito ang unang pagkakataong naglabas ng pahayag si Pangulong Aquino mula ng ilaglag ang desisyon laban sa DAP. Magugunitang deklaradong taliwas sa Saligang Batas ang pagkikialam ng Executive Department sa pondo ng pamahalaan para sa mga ahensya at proyekto na nasa lamas ng national budget na sinang-ayunan ng Kongreso.
Kamakailan, sinabi ng Malacanang na hindi silang sang-ayon sa desisyon ng Korte Suprema.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |