|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagkawala Misyonerong Redentorista, ginunita
GINUNITA ng Redemptorist Community at ng mga mamamayan ang pagkakawala ni Fr. Rudy Romano noong ika-11 ng Hulyo 1985 dahilan sa mga pinaniniwalaang mga militar.
Ayon kay Yoyoy Cala, tinuruan siya ni Fr. Rudy ng martial arts at carpentry. Hinangaan ang pari sa kanyang pagiging magaling magsalita at ng mga kadalagahan dahilan sa kanyang matikas na tindig.
Unang nabalita ni Cala, isang cultural activist si Fr. Rudy noong 1978 sa isang rally na binuo ng pari at dinaluhan ng mga seminarista upang tuligsain ang Batas Militar.
Kahit umano tahimik ang ibang bahagi ng bansa, si Fr. Romano ang una sa Central Philippines na bumasag sa "culture of fear" ng pamahalaan. Nagdadalawang-isip ang mga Filipino na lumahok sa mga pagtitipon laban kay Pangulong Marcos subalit lumakas ang kanilang loob sapagkat nangunguna sa kanila si Fr. Romano.
Dinakip umano si Cala ng mga militar at naitakas ng mga pari at naikubli sa silid ni Fr. Rudy. Nakilala si Fr. Rudy sa pagmimisa sa mga miyembro ng mga union.
Binanggit din ni Cala ang isang kwento na walang kumpirmasyon tungkol sa isang maimpluensyang tao sa Kabisayaan na galit kay Fr. Romano at siyang nagpadukot sa pari, ipinalagay sa isang drum at sinemento at itinapon sa karagatan.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |