Noise Barrage idinaos laban sa katiwalian
GANAP na ikalima ng hapon sinimulan ang sabay-sabay na pag-iingay ng iba't ibang grupo laban sa katiwalian sa iba't ibang bahagi ng Maynila. Idinaos ito sa De La Salle University sa University of the Philippines sa Padre Faura at maging sa Legarda.
Pinamumunuan ng College Editors Guild of the Philippines ang sabay-sabay na pag-iingay sa pamamagitan ng pagkalatog ng mga kawali, kaldero at lata at iba pang magdudulot ng ingay.
Ang noise barrage ay isang paraan ng protesta ng mga mamamayan na sinimulan noong kainitan ng Batas Militar noong dekada sitenta.
1 2 3 4 5 6 7 8 9