Senador Santiago, humingi ng pahintulot sa Senado na magbakasyon
HUMILING si Senador Miriam Defensor-Santiago ng pahintuloy na magkaroon ng kanyang tinaguriang "qualified medical leave." Nangangahulugan ito na papayagan siya ng Senado na dawin ang kanyang makakaya ayon sa payo ng kanyang mga manggagamot at ng kanyang "physical medical condition."
Sa isang liham ngayong araw na ito na ipinadala sa kanyang mga kasama sa Senado sa pamamagitan ng Pangulo ng Senado, sinabi ni Gng. Santiago na madali siyang mapagod mula noong 2012. Nang magtapos ang sesyon noong Mayo, nagsumite siya ng kanyang accomplishment report. Ito rin ang dahilan ng kanyang pagbibitiw bilang judge ng International Criminal Court.
Kamakailan ay nabatid na mayroon siyang Stage 4 Lung Cancer at sumasailalim ng paggagamot.
Sa pagtatapos ng buwang ito, mababatid ng mga manggagamot kung naging matagumpay ang pagtunaw sa lamang namuo sa kanyang baga. Kung hindi magbabago ang kanyang kalagayan, magtutungo siya sa Cedars Sinai Hospital sa America upang magpagamot.
Matapos ang anim na linggo, kung hindi man siya magwawagi laban sa cancer, uuwi siyang isang bangkay.
1 2 3 4 5 6 7 8 9