Problemadong Kalihim Abad, isasalang sa Senado
ANG kontrobersyal na Budget and Management Secretary Florencio Abad ang ipinatatawag ng Senado sa darating na ika-21 ng Hulyo upang ipaliwanag ang detalyes ng Disbursement Acceleration Program.
Ipinatawag ni Senador Francis Escudero, chairman ng Finance Committee si Abad upang isumite ang talaan ng lahat ng Special Allotment Release Orders o SARO na ipinamudbod sa ilalim ng DAP, kabilang ang mga proyekto at halaga ng mga inilabas na salapi.
Ani Escudero, mas makabubuting dalhin ang talaan upang malaman ang detalyes ng pagkakabahagi ng salapi ng bayan. Idinagdag pa ng senador na nais niyang liwanagin ni G. Abad ang mga balitang ang inilabas na pondo sa ilalim ng DAP ay umabot sa P 372 bilyon na hindi tugma sa talaang mula sa Department of Budget and Management.
Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni Senador Escudero, ayon sa talaan ng DBM na ibinigay sa kumite ay nagkakahalaga lamang ng higit sa P 200 bilyon. Makabubuting alamin din kung alin sa mga pondong inilabas sa illaim ng DAP ang taliwas sa Saligang Batas.
1 2 3 4 5 6 7 8 9