|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Apat sa 17 mga akusado sa hazing, nakatakas na palabas ng bansa
NAKAALIS na ang apat sa 17 mga pinaghihinalaang sangkot sa pagkasawi ng isang neophyte ng Tau Gamma Phi fraternity. Magugunitang ang mga akusado ang pinapanagot sa pagkasawi ni Guillo Cesar Servando, isang estudiante ng College of St. Benilde.
Ayon sa Bureau of Immigration, sa kanilang datos sa araw na ito, sina Esmerson Nathaniel Calupas, Hans Kullian Tatlonghari, Eleazar Pablico III, at John Kevin Navoa ang nakalabas na ng bansa bago nakapaglabas ng lookout bulletin order ang tanggapan.
Sinabi ni Elaine Tan, tagapagsalita ng Bureau of Immigration, si Navoa ay umalis patungong Taiwan noong unang araw ng Hulyo at maaaring sumakay ng ibang eroplano patungo sa Estados Unidos o ibang bansa.
Kabilang sa lookout bulletin order sina Cody Errol Morales, Daniel Paul Martin "Pope Bautista, Kurt Michael Alamazan, Luis Solomon "Louie" Arevalo, Carl Francis Loresca, Jomar Pajarito, Vic Angelo Dy, Mark Ramos, Mike Castaneda, Tessa Dayanghirang, Yssa Valbuena at isang alias "Rey Jay" at isang alias "Kiko."
Sa oras na magtangkang umalis ng bansa ang sinumang saklaw ng kautusan, inaatasan ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na ipagbigay alam kaagad sa Kagawaran ng Katarungan at National Bureau of Investigation ang insidente.
Nasawi si Servando noong ika-28 ng Hunyo matapos magtamo ng maraming sugat at pasa sa katawan sa pambubugbog na tinamo mula sa mga kasapi ng Tau Gamma Phi Fraternity De La Salle – College of St. Benilde chapter. Isang sophomore Hotel, Restaurant and Institution Management student ang biktima.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |