|
||||||||
|
||
Atty. Miguel Arroyo, pinayagang maglakbay
PINAHUNTULUTAN ng Sandiganbayan si dating First Gentleman Miguel Arroyo na maglakbay patungong Europa upang magbakasyon kasama ang kanyang pamilya.
Ang Fifth Division ng Sandiganbayan sa pamumuno ni Justice Roland Jurado ang pumayag sa kahilingan ng mga abogado ng dating unang ginoo na maglakbay patungong Alemanya at iba pa ng bahagi ng Europa mula ika-21 ng Setyembre hanggang ika-10 ng Oktubre.
Sa pagdinig noong Bieyrenes, kumontra ang mga abogado ng pamahalaan sa petisyon ni G. Arroyo sapagkat wala umanong detalyes ang paglalakbay.
Samantala, inatasan din ng Sandiganbayan ang mga abogado ni G. Arroyo na magpetisyon sa nakatakdang paglalakbay patungong Japan at Hong Kong sa Oktubre 25.
Nahaharap ang dating unang ginoo sa usaping corruption sa Sandiganbayan sanhi ng pagbebenta ng napakamahal na helicopters sa Philippine National Police noong 2009.
Maliban kay G. Arroyo, kasama sa usapin si dating DILG Secretary Ronaldo Puno, dating PNP chief Director General Jesus Verzosa, at iba pa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |