|
||||||||
|
||
Pilipinas, ika-117 mula sa 187 bansa noong 2013
TUMAAS ng may 16.5% ang Human Development Index ng Philippines mula noong 1980 hanggang 2013.
Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng 2014 Human Development Report, sinabi ni Secretary Arsenio M. Balisacan na mula 62.2 years ang life expectancy at birth noong 1980, umabot na ito sa 68.7 samantalang ang inaasahang bilang ng mga taon sa paaralan ng mga kabataan ay nagmula sa 10.3 years noong 1980 at ngayo'y 11.3 years na rin.
Ang mean years of schooling ay nagmula sa 6.1 years noong 1980 at ngayo'y 8.9 years na. Nalaman din sa pagsusuri ng United Nations Development Program, na kung nagkaroon ng Gross National Income per capita na 4,404 at umabot na sa 6,381. Ang mga ito ay kinakitaan ng Human Development Index na 0.566 noong 1980 at ngayon ay 0.660 na.
Sa mga bansa sa Timog-Silangang Asia, nangunguna ang Thailand na nagkaroon ng 0.722 at ang Indonesia na nagkaroon ng 0.684. Na sa ika-89 na puesto ang Thailand samantalang nasa ika-108 naman ang Indonesia. Lumabas sa pagsusuri na mas mahaba ang life expectancy at birth ng Thailand at Indonesia tulad rin ng inaasahang itatagal sa paaralan ng mga kabataan. Pinakamaiksi ang Pilipinas sa pagkakaron ng 11.3 years samantalang ang Thailand ay mayroong 13.1 at Indonesia ay mayroong 12.7 years.
Mas malaki rin ang Gross National Income ng Thailand sa pagtatamo ng 13.364 at Indoensia na mayroong 8,970. Ang Plipinas ay mayroong 6,381. Subalit ipinaliwanag ni Secretary Balisacan na kung ihahambing sa Medium Human Development Index, pasok pa rin ang Pilipinas na nagkaroon ng 0.660 samantalang ang average ay 0.614.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |