Jardeleza, nagbakasyon
MATAPOS manumpa bilang Associate Justice of the Supreme Court, nagbakasyon ng dalawang linggo si dating Solicitor General Francis Jardeleza.
Ayon kay Supreme Court spokesman Atty. Theodore Te, gugugulin ni Associate Justice Jardeleza ang dalawang linggo upang tapusin ang kanyang mga obligasyon sa kanyang iwanang tanggapan.
Si Associate Justice Jardeleza ang pumalit sa nagretirong Associate Justice Roberto Abad. Sumang-ayon naman si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kahilingan. Nanumpa si G. Jardeleza noong Miyerkoles isang araw matappos mapasama sa short list ng mga kandidato sa pagka-associate justice ng Korte Suprema.
1 2 3 4 5 6 7