Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, lumalabas na hindi handa para sa ASEAN integration

(GMT+08:00) 2014-08-27 09:58:06       CRI

SA pagdinig kamakailan ng House Committee on Foreign Affairs, lumabas na hindi handa ang Pilipinas para sa darating na ASEAN integration sa darating na unang araw ng Enero ng 2016.

PILIPINAS HINDI HANDA SA ASEAN INTEGRATION.  Naniniwala si Congressman Al Francis Bichara, chairman ng House Foreign Relations Committee, na kulang sa paghahanda ang Pilipinas sa pagsasamasama ng mga bansang kabilang sa ASEAN.  Balak sana niyang magkaroon ng joint hearing ang ilang mga kumite subalit naniniwala siyang kakapusin na sa oras.  (Melo M. Acuna)

Sinabi ni House Foreign Relations Committee chairman Congressman Al Francis Bichara na ipinatawag nila ang Bangko Sentral ng Pilipinas, National Economic and Development Authority at Department of Transportation and Communications sa isang pagdinig kamakailan. Hindi nakadalo ang Department of Agriculture at ang Department of Trade and Industry.

Layuning mabatid kung ano ang paghahanda ng Pilipinas sa pagsasama-sama ng sampung bansa sa Timog Silangang Asia. Ayon kay Congressman Bichara, bumuo ang mga ahensya ng pamahalaan ng kani-kanilang technical working groups hinggil sa mga isyung pang-ekonomiya samantalang ang isyu ng political security ay saklaw ng Department of Foreign Affairs.

May kanya-kanyang pananaw ang mga bansa sa ASEAN sa isyu ng South China Sea. Inihalimbawa ni Congressman Bichara na bagama't hindi kasama ang Tsina sa ASEAN, malayang makapagtatayo ito ng mga pagawaan o pabrika sa mga bansang malapit sa kanila tulad ng Cambodia, Laos at Myanmar.

Wala umanong panalo ang Pilipinas sapagkat karamihan ng mga lalawigan sa Pilipinas ay mga sakahan. Malaki ang magiging lamang ng Cambodia, Laos at Myanmar sapagkat mas mura ang kanilang production costs at mayroong kaukulang technical support.

Ayon kay Congressman Bichara, mahal na at 'di pa maasahan ang kuryente sa iba't ibang bahagi ng bansa. Idinagdag pa ang kakulangan ng mga pagawaing-bayan at ang problema sa daungan, problema pa rin ang traffic. Wala pang mga kasunduan sa larangan ng trade at economics at nakatakdang lagdaan sa mga susunod na linggo. Hindi pa rin nababasa ng mga mambabatas ang nilalaman ng mga kasunduang ito.

Iminungkahi ng mambabatas na alamin kung aling mga kategorya ang magiging kapaki-pakinabang sa madla. Nakikita niya na malakalalamang ang Pilipinas sa mga propesyonal at mga skilled workers.

Pabor sa mga mamimili ang mga produktong pagkain sapagkat mura ang mga ito kaya't tatangkilikin nila ang mga imported (inangkat) na pagkain. Palabas ang pera ng mga Filipino at problemado ang mga sektor ng pagsasaka at iba pang umaasa sa domestic market.

Magkakaroon ng pinagsanib ng pagdinig ang House Committees on Trade and Industry, Economic Affairs at Foreign Affairs upang masusing suriin ang mga kailangang gawin.

Bagaman, nangangamba si Congressman Bichara na hindi na ito magaganap sapagkat sa oras na isalang sa plenaryo ang budget ng pamahalaan sa 2015, titigil ang lahat ng committee hearings upang bigyang-pansin ang budget deliberations.


1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>