|
||||||||
|
||
Tatlo lamang sa apat na impeachment complaints ang pag-uusapan
NAGSIMULA na ang pagpupulong ng House Committee on Justice upang alamin kung mayrong sufficiency in form ang tatlong impeachment complaints na inihain laban kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Dumalo sa pagdinig ang dating Bayan Muna Congressman Satur Ocampo at Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes at kinatawan ng iba pang militanteng grupo.
Ngayon lamang pagtutuunan ng pansin ang mga reklamo matapos ang serye ng mga piyesta opisyal ngayong Agosto.
Sinabi ni Congressman Neil Tupas, Jr. na ang dalawang unang reklamo ay may kinalaman sa paggamit ng pondo sa ilalim ng Disburssement Acceleration Program na may ilang bahaging ideneklarang taliwas sa Saligang Batas. Ang ikatlo ay may kinalaman naman sa Enhanced Defense Cooperation Agreement kahit pa maruoong pagbabawal sa Saligang Batas ang pagkakaroon ng foreign military bases sa bansa.
Ang impeachment cases ay inindorso ng mga mambabatas na sina Neri Colmenares at Carlos Zarate ng Bayan Muna, Anakpawis Congressman Fernando Hicap, Kabataan Congressman Terry Ridon at Alliance of Concerned Teachers Congressman Antonio Tinio at Gabriela Congresswoman Emmi de Jesus.
(Isa sa tatlo ang napatunayang katanggap-tanggap sa komite upang pagusapan.)
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |