|
||||||||
|
||
Pagdalaw ng mga Tsino sa Albay, tuloy-tuloy na
REGULAR na ang magiging pagdalaw ng mga Tsino sa Albay at Legazpi City. Magkakaroon ng 35 linggong paglalakbay ng Cebu Pacific mula sa Xiamen.
TULOY ANG PAGDALAW NG MGA TSINO SA ALBAY. Sinabi ni Zaldy Co ng Misibis Bay na aabot sa 10,000 mga Tsino mula sa Xiamen ang dadalaw sa Albay sa susunod na 35 linggo. Dalawang eroplano ng Cebu Pacific ang maglalakbay kada linggo patungong Albay, dagdag pa ni G. Co. (Melo M. Acuna)
Ayon kay Zaldy Co, isa sa mga nangangasiwa sa kasunduan na hindi bababa sa 10,000 mga turista ang dadalaw sa Misibis Bay at Legazpi City sa loob ng 35 linggo sa bawat taon. Ang bawat eroplano ng Cebu Pacific ay may lulang 135 turista dalawang beses sa bawat linggo at magtatagal ito ng tatlong buwan.
Isang taon ang kontrata sa pagitan ng Cebu Pacific at ng isang travel agency sa Xiamen. Layunin na rin ng kanilang kabalikat sa Xiamen na madagdagan ang biyahe sa pagitan ng Legazpi City at Guangzhou at Beijing.
Umaasa si G. Co na mangangailangan lamang ng 500 hanggang 1,000 mga silid sa iba't ibang hotel at matatapatan ang Boracay sa loob ng dalawang taon. Nakatakda ring buksan ang Legazpi City sa mga Tsinong turista na gugugol ng apat na araw at tatlong gabi o apat na gabi at tatlong araw sa kanilang paninirahan sa Albay.
Bukod sa magandang tanawin sa Misibis Bay, mayroon na silang limang Chinese chefs na naghahanda ng mga pagkain na kinatatampukan ng live crabs, live lobsters at live fishes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |