|
||||||||
|
||
Nagaganap sa Iraq, kinondena ni Cardinal Quevedo
NANAWAGAN Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo, OMI na tigilan na ang paglapastangan sa mga Kristiyano sa Iraq.
Sa isang panayam sa Radio Veritas, sinabi ni Cardinal Quevedo na nakikiisa siya sa pandaigdigang pagkondena samga nagaganap sa Iraq na nauuwi sa paglapastangan sa mga Kristiyano.
Nababahala na umano siya sa nagaganap sa Iraq. Bilang isang religious leader, pagpapabaya ito kung hindi niya kokondenahin ang ginagawa ng isang fundamentalist radical group.
Ang paggamit ng dahas at pananakot upang magkaroon ng religious dominance ay hindi katanggap-tanggap, dagdag pa ng kardinal.
Noong Lunes ay idinaos ang sabay-sabay na panalangin sa Pilipinas para sa kapayapaan sa Iraq bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |