|
||||||||
|
||
Walang sisibakin si Pangulong Aquino
HINDI magkakaroon ng balasahan sa gabinete. Sinagot na ni Pangulong Aquino ang mga panawagang ito.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na sinagot na ni Pangulong Aquino ang isyu noong magsumite ng kanyang pagbibitiw si Kahilim Florencio Abad ng Department of Budget and Management at Agrarian Reform Secretary Virgilio de los Reyes.
Hindi umano katanggap-tanggap kay Pangulong Aquino ang mga dahilang ibinigay ng mga kasapi ng gabinete. Ibinigay na dahilan ni Kalihim Abad sa pagbibitiw ang Disbursement Acceleration Program na hindi tinanggap ng pangulo.
Ipinaliwanag pa ni Secretary Coloma na walang anumang problema ang pangulo sa ginagawa ni Kalihim de los Reyes na akusado sa pagiging mahina sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reform (CARPER).
Ayon kay Secretary Coloma, pinagtitiwalaan pa ni Pangulong Aquino si Kalihim de los Reyes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |