Ombudsman, dapat bigyan ng dagdag na poder
KAILANGANG lumakas ang poder ng Ombudsman kung ipagpapatuloy ang kampanya laban sa katiwalian. Ito ang sinabi ni Congresswoman Marlyn L. Primicias-Agabas, may akda ng House Bill 5044 na pinamagatang "An Act Strengthening the Institutional Capacity of the Office of the Ombudsman."
Ayon sa mambabatas, kailangang susugan ang R. A. 6770 na kilala sa pangalang The Ombudsman Act of 1989 at paglaanan ng pondo. Nakarating na sa Committee on Justice ang panukala at nakatakda ng pag-usapan.
Sa pagdagsa ng mga usapin, kailangang magkaroon ng mas malawak na poder ang Ombdusman. Noong 1987, ayon sa Saligang Batas, binuo ng Office of the Ombudsman upang kumilos sa mga reklamo laban sa mga opisyal ng pamahalaan, kabilang na ang mga kawani ng iba't ibang tanggapan kabilang na ang mga korporasyong pag-aari ng gobyerno.
Kabilang sa panukala ang paggamit ng wiretapping sa pagsisiyasat kung kakailanganin. Sa pagkakataong ito, kailangang susugan ang Anti-Wiretapping Law sa mga usaping kinabibilangan ng plunder. Mapapakinabangan din ang batas sa pagsamsam ng mga ill-gotten wealth at mga krimeng nilabag sa Revised Penal Code.
1 2 3 4 5 6