Mambabatas, humiling ng dagdag na benepisyo para sa malalaking pamilya
HINILING ni Congresswoman Mar-Len Abigail S. Binay ng Makati na tugunan ang 'di pantay na pagtrato sa malalaking pamilya sa pamamagitan ng pag-aalis ng bilang ng mga supling upang magkaroong ng tax deduction. Hiniling din ng mambabatas na palawakin ang coverage ng mga kwalipikadong supling at isama ang mga tumatandang mga magulang at mga taong may kapansanan sa katawan at pag-iisip.
Ayon sa mamababatas, napapaloob ang kanyang panukala sa House Bill 5020 na pinamagatang "Family Care Act of 2014" na nagsusulong ng dalawang probisyon sa Saligang Batas na nagagarantiya sa pagpapatibay ng pamilyang Filipino at ang probisyon hinggil sa obligasyon ng pamilya na alagaan ang mga nakatatandang mga magulang sa pamamagitan ng mga programa hinggil sa social security.
Ito ang dahilan kaya't nararapat magpasa ng kaukulang hakbang ang Kongreso na magbbigay ng biyaya at magbabawas ng social at economic inequalities sa pagpapagaan ng kakayahang pinansyal ng mga pamilya, lalo't higit ang mayroong maraming mga supling.
1 2 3 4 5 6