|
||||||||
|
||
Mahihirap, bibigyang-pansin sa susunod na liturgical year
BIBIGYAN ng pansin ang mahihirap at kawalan ng katarungan sa pagdiriwang ng Simbahan sa Pilipinas ng "Year of the Poor" sa pagsisimula ng bagong liturgical year sa susunod na ilang linggo.
Ito ang bibigyang-halaga sa paghahanda ng bansa sa ika-limang daang taon ng Kristiyanismo sa bana. Nananatiling malaking hamon para sa Simbahan sa Pilipinas na maging Simbahan ng Mahihirap tulad ng itinatadhana ng Second Plenary Council.
Ayon sa pahayag ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace, magkakaroon ng isang taong pagdiriwang napamumunuan ng kanilang tanggapan sa pakikipagtulungan sa iba't ibang komisyon ng Kapulungan ng mga Obispo o CBCP at ng 85 Diyosesis sa loob ng bansa.
Sinabi ni Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng CBCP-NASSA na maninindigan ang Simbahan sa panig ng mga mahihirap at mga naaapi sa mga pagkakataong mayroong paglabag sa Karapatang Pangtao tulad ng mga magsasaka, mga katutubo, mangingisda, manggagawa at mga biktima ng kalamidad.
Pinamunuan ni Arsobispo Rolando Tria-Tirona, chairman ng Comission on Social Action, Justice and peace at Butuan Bishop Juan de Dios Pueblos ang misa ng paglulunsad na nilahukan ng mga pari ng Butuan at may 200 mga mananampalataya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |