|
||||||||
|
||
Prison Pastoral Care executive humiling kay Pangulong Aquino
REPORMA SA LARANGAN NG CORRECTIONAL SYSTEM, INAASAHAN. Umaasa ang mga opisyal ng Bureau of Corrections, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na magaganap ang kailangang reporma sa correctional system ng bansa. Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi nina Bro. Rudy Diamante ng CBCP-EPPC (gitna) Assistant Director Teodora Diaz ng Bureau of Corrections (pangalawa mula sa kanan) at Atty. Roy Valenzuela ng BJMP na magiging makabuluhan ang batas kung maipatutupad ito sa madaling panahon. (Areopagus Photo)
NANAWAGAN si G. Rudy Diamante, Executive Secretary ng Prison Pastoral Care commission ng Catholic Bishops conference of the Philippines kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na gamitin niya ang kanyang poder na makapagbigay ng executive clemency sa mga napiit na umabot na sa 70 taong gulang.
Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni G. Diamante na nakalulungkot na dumami ang mga napipiit na hindi nakapakinabang sa executive clemency na karaniwang ibinibigay ng pangulo ng bansa tuwing Pasko, Araw ng Kalayaaan at kaarawan ng pinuno ng bansa.
Sa panig ni Asst. Director Teodora Diaz, isang ehekutibo sa Bureau of Corrections sa higit sa apat na dekada, si Pangulong Aquino lamang ang bukod-tanging tumangging lumagda sa mga dokumentong ipinadala ng Board of Pardon and Parole. Sa kanilang pagtatanong sa Board, sinasabi naman sa kanilang nasa tanggapan na ng pangulo ang dokumento.
Ipinaliwanag ni Atty. Roy Valenzuela, chief ng Legal Section ng Bureau of Jail Management and Penology na aabot sa P75,000 bawat taon ang nagagasta ng pamahalaan sa bawat napipiit sa kanilang tanggapan (BJMP).
May pagsusuri silang ginawa na may mga usaping umabot ng 18 taon ng walang kaukulang desisyon. May 400 mga bilanggo sa kanilang mga piitan ang namamatay sa bawat taon.
Isang problema ng Bureau of Correction ang kawalan ng "follow-through" sa pangangalap ng datos sa mga bilanggong lumaya na.
Ikinalungkot din ni Deputy Director Diaz ng Bureau of Corrections na wala pang pondo ang kanilang batas na pinamatagang Bueau of Corrections Modernization Act kahit pa mayroon na itong Implementing Rules ang Regulations sapagkat tanging ang Department of Budget and Management lamang ang hindi pa nagbibigay ng kanilang komento sa mga alituntunin sa pagpapatupad ng bagong batas.
Magugunitang sertipikado ni Pangulong Aquino ang panukalang batas na "priority bill" kaya't nakapasa. Problema na lamang ang kakulangan ng pondo upang maitaas ang sahod ng mga tauhan at makabili ng modernong kagamitan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |