Padalang salapi mula sa ibang bansa, lumago
UMABOT sa US$ 2.3 bilyon ang naipadalang personal remittances ng mga Filipino sa ibang bansa noong nakalipas na Setyembre at tumaas ng 8.1% kung ihahambing sa nakalipas na Setyembre ng 2013. Kung susumahin ang salaping naipadala sa bansa mula Enero hanggang Setyembre, umabot ito sa US$ 19.6 bilyon at kinakitaan ng 6.7% na kaunalran sa paghahambing sa taong 2013.
Ayon kay Bangko Sentral Governor Amando Tetangco, Jr. na ang pagtaas ng personal remittances sa unang siyam ba buwan ng taon ay dahilan sa patuloy na paglago ng salapinmg padala ng mga manggagawa sa kalupaan na may mga kontratang isang taon pataas (5.4%) at mga magdaragat at landbased workers na may mga kontratang mas mababa sa isang taon at narating ang 8.2%.
Samantala, ang mga cash remittances na idinaan sa mga bangko ay tumaas din ng 7.9% sa halagang US$2.1 bilyon noong Setyembre. Sa unang siyam na buwan, ang cash remittances ay umabot sa US$17.6 bilyon at kaakibat na pag-unlad ng 6.1% sa natamong US$ 16.6 bilyon noong nakalipas na taon.
Ang karamihan ng salaping ipinadala sa Pilipinas ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Singapore, Japan, Hongkong at Canada.
1 2 3 4 5 6