Direct flights sa pagitan ng Turkey at Pilipinas magsisimula na
LUMAGDA sa isang kasunduan ang Turkey at Pilipinas kaninang ikatlo ng hapon sa pagdalaw ni Turkish Prime Minister Ahmet Davutoglu sa Maynila.
Nag-usap sila ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Malacañang kaninang umaga. Tatlong flights ang maglalakbay sa bawat linggo sa pagitan ng Istanbul at Ankara.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose ng Department of Foreign Affairs, ang Philippines-Turkey Agreement in Air Services ang nagbibigay sa Pilipinas, sa mga hihirangin nitong mga kumpanya na maglakbay ng tatlong ulit sa bawat linggo. Ang mga eroplano ng Turkey ay bibigyan din ng pagkakataong maglakbay ng tatlong ulit sa bawat linggo sa pagitan ng Turkey, Clark at Maynila.
Mayroon ding tatlong all-cargo flights sa bawat linggo sa pamamagitan ng Turkish Airlines mula Istanbul at mula Maynila sa pamamagitan ng Philippine Airlines.
1 2 3 4 5 6