|
||||||||
|
||
Mga kawal, pinayagang magliwaliw sa tabing-dagat
MGA KAWAL, MAKAKAPAGLANGOY AT MAGLILINIS NG BAYBAY-DAGAT. Sinabi ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. na maaaring maglangoy ang mga kawal mula sa Liberia samantalang nasa kwarantina sa Caballo Island sa pagitan ng Cavite at Corregidor Island sa kanyang pagdalaw kahapon sa pulo. (AFP Photos)
PINAYAGAN ni General Gregorio Pio Catapang, Jr. ang mga kawal na nasa kwarantina mula sa Liberia na magliwaliw sa tabing-tagat ng Caballo Island.
Nasasaklaw ang mga kawal sa 21-araw na kwarantina. Pinayagan silang maglangoy sa mga karagatang nakaharap sa Corregidor Island at Naic, Cavite.
Bilang bahagi ng pagpapalipas ng oras, nangingisda ang mga kawal at naglilinis sa paligid ng pulo.
Dumalaw si General Capatang kasama si Acting Secretary Janette Garin ng Kagawaran ng Kalusugan kahapon ng ikalawa ng hapon upang tiyakin sa madla na malulusog ang mga kawal at nasa mabuting kalagayan.
Hindi rin nararapat katakutan ang mga kawal sapagkat walang sintomas ng Ebola virus sa ginawang pagsusuri noong ikawalo ng Nobyembre. Hindi natatangay ng hagin ang Ebola virus. Tuloy pa rin ang "no-touch" policy sa mga kawal na nasa Caballo Island.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |