Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbuo ng ASEAN, hindi makasasama sa pangisdaan sa bansa

(GMT+08:00) 2014-11-17 18:51:14       CRI

Yumaong Senador Flavier, pinarangalan

YUMAONG SENADOR FLAVIER, PINARANGALAN.  Pinamunuan ni Senate President Franklin M. Drilon ang pagpaparangal sa yumaong mambabatas na si Dr. Juan Flavier sa Senado kaninang umaga.  Pinuro ng mga mambabatas ang namayapang manggagamot sa kanyang mga nagawa sa lehislatura.  (Senate PRIB Photo)

PINAMUNUAN ni Senate President Franklin M. Drilon ang pagpaparangal sa namayapang Senador Juan M. Flavier na sinasabing isang malaking maliit na tao.

Ani Senador Drilon, si Senador Flavier na muna ang nagsimula ng mga kwento tungkol sa kanyang height, napakalaki ng nagawa ng yumaong mambabatas tulad ng kanyang pamumuno sa pagpapanday ng batas tungkol sa mga mamamayang aba.

Dumating ang labi ni Senador Flavier sa Senado kaninang ikasiyam at kalahati ng umaga at nagkaroon ng pananghalian para sa mga naulila ng namayapang senador pagkatapos ng necrological rites. Namayapa si Senador Flavier sa pneumonia noong ika-30 ng Oktubre sa edad na 79.

Sinabi ni Senador Miriam Defensor-Santiago na madalas niyang kinakausap ang dating senador sa bawat pagkabagot o pagkapagod at naniniwala siyang magandang pagkakataon ang pakikipag-usap sa isang taong tapat. Isa umanong tapat na tao ang namayapang senador.

Idinagdag pa ni Senador Santiago na pagkatapos niyang magtalumpati hinggil sa komisyong 10% sa mga pork barrel funds, umasa umano siyang maraming magtatanong at sasang-ayon subalit iisa lamang ang tumayo at nagsalita at nagsabing totoo ang mga akusasyon laban sa mga Senador. Kung hindi umano tapat ang namayapang senador, hindi siya magkakalakas ng loob na tumayo ay magsalita.

Ayon kay Senador Serge Osmeña, walang bahid ng anumang kayabangan at kinakitaan ng pagiging simpleng mambabatas ang namayapang senador. Ani Senador Gregorio Honasan II, iba rin ang sense of humor ng namayapang mambabatas.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>