|
||||||||
|
||
Anim na buwang palugit para sa paghahabol ng danyos, ipinasa
PUMASA sa ikatlo at huling pagbasa ang isang joint resolution na naglalayong dagdagan ng anim na buwan ang pagpapaabot ng claims para sa mga biktima ng batas militar.
Ayon kay Senador Aquilino Pimentel III, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights at may akda ng resolusyon na may pamagat na Joint Resolution Extending the Period for Filing of Claims for Reparation of Human Rights Violations Victims under Republic Act No. 10368, mabibigyan pa ng sapat na panahon ang mga biktima na magparating ng kanilang claims para sa repatriation at compensation.
Kasama sa mga nagsulong ng resolusyon ay sina Senador Francis Escudreo at Teofisto Guingona III.
Sinabi ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates, nakatanggap lamang ang Human Rights Violations Claims Board ng may 29,000 claims. Sinabi ni Max de Mesa na ang lupon ay umaasang magkakaroon ng 55,000 hanggang 90,000 mga applications.
Idinagdag pa niya na mayroong 7,000 undocumented human rights victims mula sa pananaliksik ng kanilang gurpo maliban sa 9,000 Hawaii class suit claimants.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |