|
||||||||
|
||
Asia integration magpapatuloy
MAGPAPATULOY ANG ASEAN INTEGRATION. Ito ang sinabi ni G. Iwan Azis, ang dalubhasa ng Asian Development Bank sa regional integration. Malaki ang pagkakaiba ng Asia sa Europa at tanging mga batas at kasunduan ang binibigyang-pansin ng mga bansa sa Timog Silangang Asia. Malaki rin ang magiging impluwensya ng Renmenbi o Yuan sa oras na magdesisyon ang Tsina na gawin itong international currency. (Melo M. Acuna)
MAGAGANAP ang inaasahang Asia integration sa pagtatangka ng mga pamahalaang magkaisa sa larangan ng kalakal at transport connections at mapatatag ang regional institutions tulad ng mga nabalitang free trade agreements at regional bond market arrangements at kaukulang financial safety nets.
Sinabi ni Iwan Azis, pinuno ng Office of Regional Economic Integration ng Asian Development Bank na kakaiba ang integration sa Asia sapagkat nakatuon ang rehiyon sa pagpapalakas ng mga pambansang ekonomiya sa pagsasaayos ng mga kautusan at mga regulasyon sa pananalapi at kalakal samantalang hinaharap ang mga hamong mula mismo sa rehiyon. Kung hindi maiiwasan ang mga panganib nahaharap sa krisis na naransan ng Europa sa kanilang hindi pagpapapatatag ng kanilang mga institusyon.
Matapos ang naganap na Asian Financial Crisis noong 1997-1998, tumibay ang pagsasanib o integration. Upang matugunan ang matamlay na pandaigdigang ekonomiya, inayos ng rehiyon ang mga alituntunion at mga regulasyon at pinaluwag ang trade and investments sa sa pamamagitan ng multi-country free trade agreements.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |