Renmenbi, makakaimpluwensya sa takbo ng ekonomiya sa Asia
KUNG sakaling magdesisyon ang Pamahalaan ng Tsina na gawing "international currency" ang renmenbi ay tiyak na makakaapekto sa ekonomiya ng Asia.
Ito ang pananaw ni Iwan Azis, isa sa mga dalubhasa sa ASEAN Integration ng Asian Development Bank. Sa idinaos na roundtable discussion sa ADB Headquarters kanina, sinabi niya na depende ito sa magiging desisyon ng liderto ng Tsina.
Pakiisipin na lamang na ang Tsina ang ikalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, at tiyak na makaka-apekto ito sa larangan ng kalakalan at ekonomiya. Kung bakit hindi pa ginagawang international currency ng Tsina ang kanilang salapi ay tanging sila lamang ang nakababatid.
Subalit, ayon kay Ginoong Azis, kung sakaling magdesisyon ang pamahalaan ng Tsina na ilabas ang kanilang salapi sa daigdig, napakalaking pagbabago ang magaganap sa daigdig.
1 2 3 4 5 6