ASEAN, nakakatugon sa mga nagaganap sa Japan
KUNG noong dekada otsenta ay naglagay ng malalaking kumpanya ang mga Japon sa Asia tulad ng Mitsubishi, Toyota at iba pa, ngayong mga susunod na taon ay mga small and medium scale business ang makararating sa Timog Silangang Asia (Southeast Asia).
Ipinaliwanag ni G. Azis ng Asian Development Bank, noong nakalipas na mga dekada ay puntirya ng Japan at ibang mauunlad na bansa ang murang halaga ng produksyon samantalang ang mga produktong gawa sa rehiyon ay nakatuon sa Estados Unidos at maging sa Europa.
Subalit nakikita niya ngayong mga susunod na panahon na tapos na ang paglago ng mga malalaking kumpanya sapagkat ang target na ng mga small and medium scale industries ay ang pamilihan sa bansang kanilang paglalagakan ng mga produkto. Malaking bahagi ng kanilang desisyon ang kakayahan ng mga mamamayang mamili ng mga produktong noon ay para sa export business. Dumami ang mga nakasama sa middle class na nangailangan ng mga paninda.
Gagamit na rin sila ng local currency sa pagkalakal sa mga bansang kanyang paglalagakan ng mga pagawaan. Kahit pa dala nila ang kanilang salapi tulad ng Japanese yen, kailangan nilang magkaroon ng Philippine peso. Sa pagkakataong ito, hindi sila matatrato ng maayos ng mga bangko sa Pilipinas kaya't ang paraan na nila upang makagamit ng local currency ay sa pamamagitan ng kanilang investments sa bonds market.
Walang ginawang seryosong pag-aaral sa consumer behavior ng mga Filipino at ibang mga mamamayang kabilang sa Southeast Asia. Nakita sa dalawang huling tatlong buwan ng 2014 na malakas ang consumer spending subalit hindi nararapat asahang magpapatuloy hanggang sa huling bahagi ng taon sapagkat marami pang mga konsiderasyong nararapat gawin. Gumanda rin ang exports ng Pilipinas sapagkat may mga namili ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Bagaman, hindi ito nararapat asahan ang magandang exports sapagkat nakapabuway pa ng mga nagaganap sa Europa. Wala pang maaasahang trends, dagdag pa ni G. Azis.
1 2 3 4 5 6