|
||||||||
|
||
Pakikipagkasundo sa MILF may kabutihan ding idinulot
SA likod ng madugong sagupaang naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na buwan, may kabutihan ding idinulot ang mga kasunduang nilagdaan ng Pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front.
Bagama't may nilagdaang joint communiqué sa pagbuo ng ad hoc action groups sa pagitan ng pamahalaan at MILF noong 2002, nakaligtaan itong mapatatag at maipatupad.
Ayon kay Professor Miriam Coronel-Ferrer, binuhay na muli ang nilagdaang kasunduan noong 2010 at nauwi sa paglagda ng pinag-ibayong kasunduan at guidelines na naging katanggap-tanggap sa pamahalaan at MILF noong 2012.
Noong Oktubre ng taong 2012, nagkaroon din ng kasunduang magtutulungan ang Philippine National Police sa ilalim ni Director General Alan Purisima at Armed Forces of the Philippine Emmanuel Bautista na sinaksihan mismo ni Professor Coronel-Ferrer.
Binanggit din ni Professor Ferrer na may mga pinagsanib na operasyon ang militar at pulis sa nasasakupan ng mga MILF kaya't nagtagumpay sa pagdakip sa mga pinaghihinalaang mga terorista. Idinagdag pa ni Professor Ferrer na ang mga MILF ay nakatulong sapagkat may mga pagkakataong umalis sila sa kanilang nasasakupan upang pagbigyan ang mga pulis at militar na magpatupad ng batas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |