Bishop Ruperto Santos, dumalo sa pagdinig ng Senado
IPINARATING ni Bishop Ruperto Santos ng Balanga, Bataan ang mariing pagtutol sa pagdaragdag ng P 550 terminal fee sa mga manggagawang Filipinong mangingibang-bansa.
Sa isang pagdinig sa Senado, sinabi ni Bishop Santos, pinuno ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, na kakampi ng mga manggagawang Filipino ang simbahan. Nanawagan siya sa komite na pinamunuan ni Senador Cynthia Villar na huwag nang dagdagan pa ang pinapasang mga problema ng mga mangingibang-bansa alinsunod sa nilalaman ng Manila International Airport Authority Memorandum Circular 108.
Mahigpit na tinututulan ng mga OFW ang ipinapapataw na singil sa bawat paglisan mula sa Pilipinas.
1 2 3 4 5 6 7