|
||||||||
|
||
Sagupaan sa Mamasapano, makaaapekto sa ekonomiya
KAILANGANG MATAPOS ANG PAGSISIYASAT SA PINAKAMADALING PANAHON. Sa panig ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan (kanan), sa oras na matapos ang imbestigasyon at mabatid ang katotohanan sa naganap na sagupaan sa pagitan ng pamahalaan at MILF, hindi na maapektuhan ang imahen ng bansa. Sinabi naman ni National Treasurer Roberto Tan, makaka-apekto ang madugong sagupaan sa mga kalapit-pook ng Maguindanao at hindi sa buong bansa. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na hindi makaapekto sa imahen ng bansa sa larangan ng ekonomiya sa oras na matapos kaagad ang pagsisiyasat at pagpapahayag ng katotohanan hinggil sa sagupaang naganap sa Mamasapano, Maguindanao.
Kabilang si Secretary Balisacan sa mga nagsalita sa idinaos na Prospects for the Philippines forum ng FoCAP kaninang umaga.
Binigyang-diin ni Kalihim Balisacan na sa oras na mabatid ang tunay na naganap, tiyak na makakabawi ang imahen ng Pilipinas.
Sa panig ni National Treasurer Roberto Tan, sang-ayon siya sa sinabi ni Kalihim Balisacan subalit nagdagdag pa na limitado ang epekto nito sa mga pook na malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Hindi umano makaaapekto ito sa buong bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |