|
||||||||
|
||
Mga magsasaka, makikinabang sa pamimili ng National Food Authority
MALAKI ang pagkakataong kumita ng mga magsasaka sa likod ng pagbagsak ng presyo ng palay ng mula P 14 hanggang 16 bawat kilo sa pinasiglang pamimili ng National Food Authority.
Ayon kay NFA Administrator Renan B. Dalisay mamimili sila ng palay sa halagang P 17 piso bawat kilo sa pagkakaroon ng dagdag na insentibo upang magtamo sila ng P 17.70 sa bawat kilo.
Kasama ang 20 sentimos sa bawat kilo bilang delivery incentive, 20 sentimos sa bawat kilo sa pagtatayo at 30 sentimos sa bawat kilo bilang Cooperative Incentive Fee.
Makikinabang ang mga magsasaka at mga kooperatiba sa buong bansa sa dagdag na insentibo.
Mayroon umanong 413 buying stations sa buong bansa upang tumanggap ng mga palay ng mga magsasaka. Inihahanda rin ang mobile procurement stations na ikakalat sa malalayong pook upang tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka.
Pag-iibayuhin ang pamimili sa Iloilo, Palawan, Sultan Kudarat, Antique at Isabela na kinatatagpuan ng malalaking ani mula sa 131 hanggang 346 na porsiyento.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |