|
||||||||
|
||
Malacañang humiling na alisin ang video na karumaldumal
HINILING ni Presidential Spokesman Secretary Edwin Lacierda na alisin na ang karumaldumal na pelikulang nagpapakita ng brutal na pagpaslang sa isang pulis noong kainitan ng sagupaan sa Mamasapano sa Maguindanao.
Nanawagan siya sa nag-upload ng pelikula sa social media na alisin na ito. Ani Kalihim Lacierda, kung mayroong pa man lamang habag at kaluluwang nalalabi, nanawagan siya na alisin na ito kaagad.
Ang anim na minutong pelikula ay nagpapakita ng isang tauhang sugatan mula sa PNP-SAF na binaril ng malapitan hanggang sa masawi.
Inamin ni Kalihim Lacierda na may karapatan ang mga Filipino na magalit sa pelikula subalit kailangang alamin ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
Nanawagan din si Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na igalang ng publiko ang pagdadalamhati ng mga naulila. Ito ang kanyang pahayag sa kumakalat na pelikulang nagpapakita ng brutal na pagpaslang sa mga sugatang pulis.
Nakakalungkot ang madugo, brutal at walang awang pinaslang noong nakalipas na sagupaan sa Maguindanao, dagdag pa ni Colonel Padilla. Maliwanag umano sa pelikula ang ginawang pamamaslang ng mga pulis sa Mamasapano.
Mas makabubuti umanong makilala ng madla ang sakripisyong ginawa ng mga tauhan ng Special Action Force.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |