Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan ng Pilipinas at MILF kailangang ibalik ang tiwala ng madla

(GMT+08:00) 2015-02-11 17:54:57       CRI

Mga terorista, madaling nakakapasok sa Pilipinas

MAY mga banyagang terorista na nakakapasok sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni retired General Rodolfo "Boogie" Mendoza, Jr. sa idinaos na pagtitipon ng mga mamamahayag kaninang umaga.

Sinabi ni General Mendoza na si Marwan ang siyang naging liaison o tagapag-ugnay sa iba't ibang grupong kumikilos sa Mindanao. Bagaman, mayroong mga bumubuo ng grupong Khilafa Islamiya na may mga kasaping mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at maging sa mga Abu Sayyaf.

Niliwanag ni General Mendoza na walang sinuman sa mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front bagama't mayroong "tactical alliance" sa pagitan nina Isnilon Hapilon at ang mga kasapi ng BIFF.

Ipinaliwanag pa ni General Mendoza na nangangahulugang mayroong mga sabayang pagsasanay, magkakasanib na pangangalap ng pondo at pagsasagawa ng mga operasyon.

Nagkaroon umano ng dalawang pagsasanay sa hangganan ng Mamasapano at isa pang bayan sa Maguindanao kamakailan na kinatampukan ng paggawa ng makabago at mas malalakas na pampasabog. Nagkaroon na rin ng mga pagsabog sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.

Nagkaroon umano ng pagbabalak ang grupong Khilafa Islamiyang magparamdam sa nakalipas na pagdalaw ni Pope Francis sa Maynila noong isang buwan. Mabuti na lamang ang naging mahigpit ang seguridad na kinabilangan ng pagpapatay ng mobile phone cell sites.

Isang nagngangalang Abu Najib ang sinasabing pinuno ng grupo samantalang si Usman ang siyang nangungunang operative.

Idinagdag pa ng retiradong heneral na mahihirapan ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na habulin sa Usman sa oras na pumasok siya sa pinagkukutaan ng mga MILF sapagkat kinukunsinti ng kanilang pinuno ang pamamalagi ng terorista.

1 2 3 4 5 6 7
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>