|
||||||||
|
||
Unang bahagi ng proyekto ng Simbahan sa mga binagyo matatapos na
MAGTATAPOS na sa Marso ang unang bahagi ng proyekto ng National Secretariat of Social Action, Justice and Peace/Caritas Philippines sa pagtulong sa may 101,000 mga nakaligtas sa hagupit ni "Yolanda."
Ayon kay Arsobispo Rolando Tria-Tirona, OCD, Caritas Philippines National Director, simula pa lamang ito ng tatlong taong programa na nagsimula noong Abril 2014 sa mga lalawigan ng Leyte, Western Samar, Eastern Samar, Palawan, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Cebu.
Pinasalamatan ni Arsobispo Tirona ang mga kabalikat at iba pang nag-ambag sa mga proyekto.
Ayon sa third quarter report, nakapagtayo na sila ng 1,790 tahanan at nag-ayos na ng 205 iba pa. Naibalik na rin ang water system at sanitation facilities at pinakikinabangan na ng may 36,913 mga mamamayan. Nakinabang na rin ang may 54,810 katao sa iba't ibang livelihood programs.
Isang magandang pangitain ang dagliang pagtugon ng higit sa 30 kasapi ng Caritas Internationalis sa unang taon at umabot sa P587 milyon. Nagastos na ang may P 364.9 hanggang sa pagtatapos ng Disyembre 2014.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |