Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas at Francia, lumagda sa mga kasunduan

(GMT+08:00) 2015-02-27 15:18:42       CRI

Mga Pinoy sa Libya, uuwi na

DALAWANG grupo ng mga manggagawang mula sa Libya ang makakauwi na sa Pilipinas. Ang unang grupo na binubuo ng 46 katao ay dumating na kanianng ika-apat ng hapon sakay ng Emirates Flight 332 samantalang ang ikalawang grupo na may 31 katao ay darating sa Linggo, unang araw ng Marso sakay ng Qatar Airlines Flight QR 926 sa ganap na ikatlo ng hapon.

Nakaalis ang mga Filipino mula sa Tripoli at nagtungo sa Tunis sa pamamagitan ng hangganan sa Ras Jedier kamakalawa. Natulungan sila ni Chargé Adel Cruz sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan, nag-ayos ng kanilang flight at naghatid sa kanila patungo sa hanggangan ng Tunisia at Libya.

Ang embahada ng Pilipinas sa Tunis ang sumalubong sa mga Filipino at nakapaghanda sa kanilang paglalakbay pabalik sa Pilipinas. Mayroon nang 4,233 na mga Filipino ang nakauwi ng maayos sa bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sasalubong ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration. Patuloy ang kaguluhan sa bansa at isang malaking palaisipan sa pamahalaan kung paano mapapauwi ang may 4,000 mga manggagawa doon. Walang banyagang eroplano ang nakapaglalakbay sa Tripoli. Susunod na repatriation ay sa ika-walo ng Marso at kailangan lamang magpatala sa Embahada ng Pilipinas sa telephone numbers +218927471949, +218916555264 at +218916656134.

Puede ring tumawag ang mga kamag-anak na nasa Pilipinas sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs sa telephone numbers 834-4996 o sa email address na oumwa@dfa.gov.ph.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>