![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Department of Foreign Affairs, tinututukan ang mga mamamayang nasa ibang bansa
TINIYAK ni Foreign Affairs Secretry Albert F. Del Rosario na sagrado ang pangako nitong paglingkuran ang mga mamamayang na sa iba't ibang bansa.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng Rotary Club of Manila sa Manila Polo Club kahapon, sinabi ni Kalihim del Rosario isinasaayos ng kanyang tanggapan ang labor and migrant protection policies ayon sa kanilang mga karanasan at pagdalo sa mga pandaigdigang pagpupulong na may diin sa paglaban sa illegal recruitment, human trafficking at iba pang uri ng panggigipit sa mga manggagawa.
Sa idinaos na open forum ibinahagi rin ng kalihim ang mga isyung kinakaharap ng Pilipinas tulad ng South China Sea at Mamasapano incident. Naniniwala si Secretary del Rosario sa paggalang sa batas at payapang paglutas ng 'di pagkakaunawaan sa nasasakupan ng bansa.
Desidido pa rin ang pamahalaan sa Mindanao Peace Process at nagsabing mahalagang makamtan ang kapayapaan sa katimugang bahagi ng bansa kahit pa dumanak ang dugo kamakailan.
Itinatag ang Rotary Club of Manila noong Hunyo ng taong 1919 kaya't ito ang pinakamatandang samahan ng Rotarians sa Asia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |