|
||||||||
|
||
Tatlong OFW, may MERS-CoV
TATLONG manggagawang Filipino nagtatrabaho sa agamutan ang mayroong Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus.
Sa isang press briefing kanina, sinabi ni Asst. Secretary Charles Jose na ang tatlong narses, pawang kababaihan, ang nahawahan ng mga pasyenteng may MERS-CoV sa kanilang pagtatrabaho.
Ayon kay G. Jose, kumpirmado ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh na may MERS-CoV ang mga narses at nasabihan na ang kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Unang nagkaroon ng karamdaman ang isang nurse na 56 na taong gulang na nasa emergency room ng pagamutan. Nasa Isolation na siya sa staff housing ng pagamutan. Pangalawa ang isang respiratory technician na nasa pagamutan at sumasailalim sa mga pagsubok samantalang ang pangatlo ay nasa oncology section ng isang pagamutan.
Idinagdag pa ni G. Jose na ang mga pagamutan sa Saudi Arabia ay may kakayahang tumanggap ng mga pasyenteng may MERS-CoV at mayroong infection prevention protocols upang masiguro na mananatiling ligtas ang mga kawani mula sa virus.
Nanawagan si G. Jose sa mga manggagawang Filipino, lalo na ang mga nasa pagamutan na sumunod sa mga alituntunin upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |