|
||||||||
|
||
Kahirapan malubha sa unang bahagi ng 2014
MALUBHA ang epekto ng pagtaas ng presyo ng pagkain, partikular sa bigas at ang mga sugat na iniwan ng bagyong "Yolanda" noong 2014 kaya't dumami ang mahihirap sa bansa mula sa 20.0% ay natamo ang antas na 25.8%.
Ayon sa National Economic and Development Authority, nagulat ang Philippine Statistics Authority sa kanilang annual Poverty Indicators Survey na inilabas ngayon na tumaas ang poverty incidence sa mga Filiipino ng 1.2 percentage points sa unang bahagi ng 2014 mula sa 18.8% sa parehong panahon noong 2013.
Sinabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan na ang per capita income sa unang bahagi ng first semester ng 2014 ay mas mataas sa 6.4% kaysa natamo noong 2013. Kabilang sa bottom 30% ng income-earners, ang per capita income ay tumaas ng 7.3%noong nakalipas na taon.
Idinagdag pa ni G. Balisacan na ang per capita income data noong 2014 ay nagpapakita na ang economic growth ay nakabuti sa mahihirap at nangangahulugan na ang kambal na estratehiya ang dahilan sa pagpasok ng investments at production, kasabay ng nagaganap na malawakang income redistribution.
Ang inflation rate ay nasa higher-end ng inflation target noong unang bahagi ng 2014 samantalang ang consumer price index para sa mga pagkain ay tumaas ng 6.5% samantalang 2.7% naman sa non-food items. Nabawasan ang growth per capita income na natamo noong mga nakalipas na panahon.
Ikinalungkot ni G. Balisacan na samantalang bumababa ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan, tumaas naman ang presyo nito sa Pilipinas. Apektado ang mahihirap na mga mamamayan sapagkat 20% ng kanilang kita ay nauuwi sa bigas na kailangan ng pamilya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |