|
||||||||
|
||
Senate President Drilon, humiling na susugan ang sinaunang batas
ISINUMITE ni Senate President Franklin M. Drilon ang kanyang panukalang batas na naglalayong susugan ang 85 taong gulang na Revised Penal Code upang maiwasan ang pagpapataw ng mahihirap at malubhang parusa at upang madagdagan ang mga multang sinisingil sa mga nagkakasala.
Sa kanyang Senate Bill 2680, hiniling ni Drilon na itaas ang halagang ginagamit sa pagbatid ng criminal liability sa iba't ibang krimen sa multa ayon sa Revised Penal Code na sinimulang ipatupad noong 1930.
Kung hindi ito masususgan ngayon, maaaring malabag ang probisyon ng Saligang Batas. Ayon kay Senador Drilon, ang P 200 multa noong 1930 ay mas mahalaga sa P 200 ngayon.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang sinumang mapapatunayang nagkasala ng estafa ay mahaharap sa pagkakakulong mula apat na taon at dalawang buwan hanggang 12 taon kahit ang halaga ay mula P 12,000 hanggang P 22,000. Sa parehong halaga, maaaring makulong ang isang magnanakaw ng hanggang walong taon.
Hinihiling din ni Senador Drilon na madagdagan ang multa sa ilalim ng kasalukuyang criminal code sa pagkawala ng halaga nito dahil sa inflation.
Kung ang Senate Bill 2680 ay maipapasa at magiging batas, ang multang P 5 ay magiging P 1,000 samantalang ang multang P 22,000 ay magiging P 4.4 milyon. Kasama rin sa panukala ang multa para sa pagsasaabwatan at pagpapanukalang gumawa ng coup d'etat, rebelyon o insurrection, ang pinakasagad na multa ay mula sa P8,000 noon at magiging P 1.6 milyon. Para sa maltreatment ng mga bilanggo, ito ay magiging P 100,000 mula sa halagang P500. Sa unlawful arrest, aabot sa P100,000 mula sa P 500. Sa Indirect assault, ang multa ay P 100,000 mula sa P 500 at sa falsification by private individuals at paggamit ng palsipikadong dokumento, ito ay P 1 milyon mula sa P 5,000.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |