Palalakasin ang kakayahan ng sektor ng pananalapi
ANG mga opisyal ng mga Kagawaran ng Pananalapi ng APEC member economies at mga kinatawan ng mga bangko sentral ang nagka-isa sa paghahangand na magkaroon ng financial resiliency at infrastructure development sapagkat mayroong mga peligrong kinakaharap ang rehiyon.
Samantalang mga ekonomiya sa Asia-Pacific region ang ilan sa pinakamauunlad sa daigdig, may nalalabing mga peligro sa kaunlaran at mayroong malalaking hamon sa layuning mabawasan ang kahirapan sa pinakamadaling panahon.
Kabilang sa mga hamong nakita ang external shocks tulad na mahinang pangangailangan sa mga produktong mula sa Asia Pacific region, ang epekto ng pandaigdigang monetary policies sa mauunlad na bansa at peligrong mula sa mga kalamidad.
Ito ang binigyang pansin ni Undersecretary Gil Beltran ng Pilipinas sa pagtatapos ng APEC Finance and Central bank Deputies meeting na sinimulan kahapon. Naganap ang pagpupulong sa Tagaytay City sa lalawigan ng Cavite.
1 2 3 4 5 6