|
||||||||
|
||
Kumpanyang Globe, kauna-unahang naglunsad ng Huawei SingleSON solution
ANG Globe Telecom ang kauna-unahang operator sa daigdig na naglunsad ng SingleSON o self-organizing network solution ng Huawei kaya't lumakas ang kumpanya na magpatakbo ng isang napakalawak na network at makapagdulot ng superior customer experience.
Sa isang pahayag, naganap ang paglulunsad sa Barcelona, Spain noong Lunes sa pamamagitan ng paglagda ng mga dokumento sa Huwawei sa idinaos na Mobile World Congress. Layunin nitong mapalakas ang wireless network performance, operation and maintenance. Ang solution ang magpapalakas sa paglaki at pagpapaunlad ng data services traffic na inaasahang higit na lalago sa susunod na sampung taon.
Sinubukan na ito sa Globe mobile network sa may 20,000 2G, 3G at 4G cells, ang pinakamalaking deployment para sa Huawei SingleSON.
Para kay Robert Tan, Globe Chief Technical Advisor, ang kakayahan ng SingleSON solution sa pagpapahusay ng O&M efficiency at performance ay napakaganda.
Sa panig ni Jiang Wangcheng, presidente ng Huawei SingleOSS Product Line, isang malaking karangalan para sa kanyang kumpanya na bigyan ang Globe Telecom ng SingleSON solution upang higit na mapaunlad ang kanilang network services. Magkakaroon din ng 4.5G at 5G at iba pang advanced wireless communications technologies.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |