|
||||||||
|
||
Vice President Binay, kinausap ang Indonesian Vice President
NAKIPAG-USAP si Vice President Jejomar C. Binay kay Vice President Jusuf Kalla hinggil sa kalagayan ni Mary Jane Veloso na unang hinatulan ng parusang kamatayan. Naganap ang kanilang pag-uusap samantalang mayroong bilateral meeting kahapon ng hapon.
Sinabi ni G. Binay na iginagalang ng Pilipinas ang mga batas ng Indonesia bagama't sinabing hindi kasama si Veloso sa anumang sindikatong sangkot sa droga lalo pa't ito ang kauna-unahang pagkakataon niyang nagtungo sa Indonesia.
Ibinigay ni G. Binay sa kanyang kausap ang sipi ng liham ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kay Indonesian President Joko Widodo at ang pakiusap mula sa pamilya Veloso.
Ayon sa pangalawang pangulo, umaasa siyang susuriing muli ng mga Indones ang usapin ni Mary Jane lalo pa't hindi siya kabilang sa anumang sindikato.
Binanggit din ni G. Binay na kamakailan lamang ay nakiusap din si Pangulong Widodo sa Hari ng Saudi Arabia na huwag gawaran ng parusang kamatayan ang isa niyang kababayan.
Na sa Indonesia si G. Binay upang dumalo sa Asian-African Summit sa Bandung. Dadalo siya sa serye ng mga okasyon kabilang ang 20-minutong paglalakad mula sa Savor Homann Hotel patungo sa Gedung Merdeka.
Makakausap din niya ang mga mangagawang Filipino na naghahanapbuhay sa Indonesia.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |