|
||||||||
|
||
AFP, kinondena ang maling balita hinggil sa kanilang eroplano
MARIING itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang balitang lumabas na may eroplano ang sandatahang lakas ng bansa na pinaputukan ng isang barkong Tsino samantalang lumilipad patungo sa Pag-asa Island upang sumundo ng isang pasyente.
Ayon kay Lt. Col. Harold Cabunoc, ang pagpapaputok sa eroplano ng Pilipinas sa karagatan ay isang malubhang bagay at hindi nararapat gawan ng anumang maling balita.
Bagaman, kumpirmado ng AFP Public Affairs Office na hinilingan ang Western Command at nakatakda sanang magpadala ng eroplano upang ilikas ang isang nagngangalang Chito Pastor sa pamamagitan ng isang eroplanong Nomad mula sa Pag-asa Island subalit hindi naipadala ang eroplano dahilan sa technical problems.
Nailikas din si G. Pastor kaninang ala-una ng hapon patungo sa Puerto Princesa City.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |