|
||||||||
|
||
Mas makabubuting makipagtulungan ang MILF sa pamahalaan
HIGIT na magiging madali ang pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao kung makikipagtulungan ang Moro Islamic Liberation Front sa pamahalaan sa halip na pagdudahan ang ulat ng Kagawaran ng Katarungan.
Ayon kay Senate President Franklin M. Drilon, kailangang igalang ang proseso at makipagtulungan sa pamahalaan sa paghahangad ng katarungan para sa 67 biktima ng naganap sa Mamasapano na kinabibilangan ng 44 na tauhan ng pulisya. Ito ang kanyang pahayag matapos lumabas ang ulat ng Department of Justice at ang pagtanggi ng MILF na kilalanin ang detalyes nito.
Kailangang makita ang paninindigan ng MILF tungo sa kapayapaan at katarungan upang maibalik ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa peace process na halos nawala sa naganap na sagupaan sa Mamasapano. Mahalaga ring kilalanin ng MILF ang batas at Saligang Batas ng Pilipinas.
Lumabas sa pag-uulat ng Department of Justice na may pananagutan ang mga mandirigma ng MILF at ng breakaway group nito, ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa pagkasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force na mayroong opisyal na misyon.
Suportado ng pangulo ng Senado ang pagsusumbong sa mga nasangkot sa Mamasapano kasabay ng kanyang panawagan sa Department of Justice na ipagsumbong na agad ang mga taong nasangkot sa madugong sagupaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |