Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Customs Commissioner Sevilla, nagbitiw

(GMT+08:00) 2015-04-23 16:25:03       CRI

Mambabatas, humiling na siyasatin ang pagbili ng patrol jeeps

HINILING ni Partylist Congressman Samuel D. Pagdilao, Jr. na siyasatin ng kongreso ang pagbili ng Philippine National Police ng may 2,082 units ng single cab patrol jeeps, lalo't higit sa proseso ng subasta na pumabor sa distributor ng Mahindra Bolero sa iba pang na sa industriya ng mga sasakyan.

Sinabi ni Congressman Pagdilao sa kanyang House Resolution 1978 na may mga balita na ang Columbian Motors, ang distributor ng Mahindra Bolero brand ay pinaboran sa pag-aalis ng mga autoridad ng requirement na market availability. Magugunitang na-disqualify ang kumpanya sa subasta noon.

Kailangang ipaliwanag ng PNP sa Kongreso ang dahilan ng paghahati ng 2,082 units sa dalawa, ang pagbabawas ng bilang ng mga unit sa unang bahagi mula sa 920 patungo sa 560 at ang pagbibigay ng unang bahagi sa Columbian Motors.

Kaduda-duda ang pangyayari, sabi pa ni Congressman Pagdilao, isang dating police director ilang taon na ang nakalilipas. Ibinalita ng PNP na may balak silang bumili ng 2,082 units ng single cab patrol jeeps. Nagkakahalaga ito ng higit sa dalawang bilyong piso.

Idinaos ang unang pre-bid conference para sa pagbili ng mga sasakyan noong ika-12 ng Nobyembre, ilang araw matapos ang bagyong "Yolanda." Maraming kumpanya ang nagnais na makalahok sa subasta.

Noong Hulyo, 2014, sinabi ng PNP na tuloy ang subasta para sa single cab patrol jeeps. Ibinaba ang bilang mula 2,082 units ay ginawa na lamang na 1,865 units.

Idinagdag pa ni Congressman Pagdilao na umaasa siyang sisiyasatin kaagad ang nilalaman ng kanyang resolusyon.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>