Pagsisiyasat sa papel ng mga Americano sa Mamasapano, tiniyak
GAGAWIN ng Joint Special Panel of Investigators ang pagsisiyasat sa sinasabing papel ng mga kawal na Americano sa sagupaan sa Mamasapano noong ika-25 ng Enero na ikinasawi ng may 67 katao.
Binaggit ni Justice Secretary Leila De Lima na may nakitang dalawang mestizong nasawi sa sagupaan sa pagitan ng Special Action Force at Moro rebels. Isang saksi na nagngangalang "Marathon" ang nagbahagi ng impormasyon.
"Second hand information" lamang ito mula sa isang taong lumahok sa pagsalakay. Hindi "personal knowledge" sapagkat may nagsabi lamang sa kanyang kalahok sa naganap na sagupaan. Hindi umano puedeng isa-isang tabi ang impormasyon kaya't nararapat malaman kung ano ang partisipasyon ng mga Americano.
May mga balitang lumabas na naroon sa sagupaan ang mga kawal Americano kaya't baka may papel na ginampanan sa "Operation Exodus", ang programang nagnanais madakip si Zulkifli Bin Hir na kilala sa pangalang Marwan at isang Filipinong nagngangalang Abdulbasit Usman.
Tinanggihan naman ni Kurt Hoyer, tagapagsalita ng Embahada ng America sa Maynila ang lumabas na balita.
1 2 3 4 5 6