Pangalawang Pangulong Jejomar Binay, nalungkot sa paglagda ni Senador Poe
IKINALULUNGKOT ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang pagpanig ni Senador Grace Poe sa mga senador na nag-usig sa kanya at sa kanyang pamilya.
Ito ang pahayag ni Atty. Rico Quicho, ang tagapagsalita ng pangalawang pangulo sa mga usaping may kinalaman sa politika.
Sana man lamang ay nabasa ni Senador Poe ang affidavit na isinumite ng pangalawang pangulo na binale-wala ng sub-committee. Sa dokumentong ito, ani Atty. Quicho, napapaloob kung bakit walang basehan ang paratang laban sa mag-amang Binay.
1 2 3 4 5 6